Thursday, August 26, 2010

Pinoy ako!

a message to every Filipino...



weather you are raised here in our country or not, you are a Filipino. You cannot deny who you are.

This is not the time to give up on our country. This is not the time to give up on our race. As they have said, it could happen to any country, it could happen to anyone.

Oo, tama nakakahiya ang nangyari pero hindi ibig sabihin nito ay dapat mong ikahiya na ikaw ay isang pinoy. hindi ako naniniwala na ang pagkakamali nang isa ay pag kakamali ng lahat. kung ganun ang mangyayari, wala ng mabuti sa mundong ito.

oo nagkamali ang isa,pero anong dapat gawin? tanggapin natin na tayo ay magpakakamali, humingi ng tawad at gawin ang lahat ng dapat para hindi na ito maulit. kung sa tagumpay ni manny pacquiao tayo'y nag bubunyi at taas noong tayo ay pinoy, dapat sa ating pag kalugmok tayo ay magkaisa para bumangon. hindi dapat natin idiin o sisihin ang mga nagawa o nangyari sa nakaraan. sinadya o hindi. tanggapin natin ito dahil ito ay tadhana. ito ang nagsisilbing aral sa atin.

hindi madali ang magpatawad at bumangon, lalo na ang patawarin tayo ng bansang nasaktan natin. pero kung magkakaisa tayo, buo at solido. patunayan na isa lang itong pagkakakamali ng taong napagkaitan ng pagkakataon.

maraming sira sa ating systema, nakakainis ang mga pulis, nakakainis ang mga taong nagpapalitrato sa bus, nakakainis ang buong pangyayari pero kung patuloy natin itong kukutyain.walang mangyayari. kasama narin tayo sa kabulukang ito kung magpapatuloy tayong ganito.

sa mga nagagalit parin, karapatan nila yan. dahil nasakatan sila. mapapatawad sila sa takdang panahon.

sa ngayon, marami ng nagawang masama. maraming ng nabitawang salita. possibleng hindi na mabawi. pero sa ating pagkakaisa at pagdarasal sa Panginoon, mkakabangon ang Pinoy sa matinding kahihiyang ito. may tiwala parin ako.

No comments:

Post a Comment